Makakatanggap ng P15,000 scholarship vouchers ang mga graduating grade 12 students mula sa ibat ibang public schools sa Taguig City.
Ito ay ayuda ng pamahalaang lokal para gamitin ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang nasabing voucher certificate ay maaring i-claim ng bearer na nagkakahalaga ng PHP15,000 sa ilalim ng Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (L.A.N.I.) scholarship program.
Dagdag pa ng Alkalde, dapat ang estudyante ay naka enroll sa anumang technical-vocational courses, certificate o baccalaureate course.
“This voucher is part of the L.A.N.I scholarship program that persuades graduates to take up tertiary education. To our beloved students, we have faced so much this year, let us get inspiration from this graduation. We will not abandon you. We are a loving and nurturing community, we are one family,” pahayag ni Mayor Cayetano.
Lahat ng Top 1 graduating students mula Grades 6, 10 at 12 ay makakatanggap din ng cash incentive na PHP15,000, habang ang mga Top 2 students ay makakatanggap ng PHP12,500.00.
Habang ang mga Top 3-10 elementary students ay makakatanggap din ng incentives na tig PHP5,000 bawat isa habang ang mga completers ng senior high students makakatanggap ng PHP7,500 bawat isa.
Mga Top 1 students sa bawat elementary class ay makakatanggap ng PHP2,500, habang ang Top 1 completer at senior high students sa bawat klase ay makakatanggap ng PHP5,000.
Sa datos ng siyudad , as of April 2021 nasa 58,000 scholars na mayruon ang Taguig at patuloy na tumatanggap ng mga eligible applicants.