-- Advertisements --

Nanawagan ang World Players Association (WPA) sa namumuno sa Iranian judiciary na bawiin ang parusang kamatayan na ipinataw kay Iraninan wrestling champion Navid Afkari.

Hinatulan kasi si Afkari ng parusang kamatayan dahil sa pagpatay sa security agent ng water and sewage department ng bansa na si Hasan Turkman.

Nangyari ang insidente noong August 2018 protest sa Shiraz.

Ayon kay WPA director Brendan Schwab na nakibahagi lamang si Afkari sa protesta dahil nais niyang ipaglaban ang nagaganap na pamumulitika at ang paglubog ng ekonomiya.

Mula noon ay pinag-initan na ito ng gobyerno.

Tinawag din ni Schwab ang International Olympic Committee (IOC) na patalsikin sa Olympic ang Iran kapag itinuloy ang nasabing pagbitay.

Maging si US President Donald Trump ay nananawagan na tanggalin sa death row ang 27-anyos na si Afkari.