Hindi sang-ayon ang grupo ng mga negosyante sa muling paghihigpit na ipinatupad ng gobyerno matapos ang pagkakadiskubre ng local transmission ng Delta variant.
Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa nasabing hakbang ay labis na maapektuhan ang ekonomiya.
Hindi na dapat aniya nagpatupad ng paghihigpit dahil napaghandaan umano na ng mga pagamutan ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng kanilang kapasidad ng health care system.
Sinabi ni PCCI Director Sergio Ortiz-Luis na hindi naghandang mabuti ang Department of Health kaya madali aniya lamang nilang irekomenda ang paghihigpit.
Hindi pa aniya nababawi ng maraming mga negosyante ang kanilang bilyong halagang puhunan.
Magugunitang inilagay ng gobyerno ang general community quarantine with heightened restrictions ang Metro Manila, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Davao de Oro at Davao del Norte mula Hulyo 23 hanggang 31 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Delta variant.