-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Social Security System (SSS) ang pagdami ng mga miyembro nila na gumagamit na ng mobile app transactions.

Sinabi ni SSS president and CEO Aurora Ignacio na mayroong 35.27 milyon transactions at querries sa mobile applications ang kanilang naitala mula Enero hanggang Agosto.
Ang nasabing pagtaas aniya ay naitala dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic.

Noong Agosto 2021 lamang ay mayroong 9.37 milyon ang nag-download ng kanilang SSS Mobile App sa Google Playstore, 8.85 milyon downloads sa Huawei AppGallery at 1.25-M downloads sa Apple App Store.

Mula kasi ng ilunsad ang app noong 2018 ay mayroong total na 109.73 milyon transactions at queries ang kanilang naitala.