-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Agarang isinaayos ng Provincial Engineer’s Office (PEO) ang Nicaan-Kitub-Banisilan, Provincial Road, Alamada Section na naapektuhan ng landslide nitong nakaraang Biyernes, sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Paeng.

Ayon sa PEO, agad na ipinag-utos ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang pagsasagawa ng road clearing at pagtatambak ng lupa sa area simula nitong Sabado Oktubre 29, 2022 upang hindi ito makaabala sa mga bumibiyahe.

Sa ngayon ay patuloy na nakaantabay ang pamahalaang panlalawigan sa mga landslide at flood prone areas ng probinsya lalo na at patuloy pa ring makakaranas ng pag-ulan ang lalawigan dulot ng low pressure area (LPA) at localized thunderstorm.