Humihirit ngayon ang Coordinating Council of Private Education Associations of the Philippines (COCOPEA) sa Department of Education (DepEd) na alisin ang ban pagpapatupad ng blended o hybrid learning sa papalapit na balik-eskwela.
Ito ay matapos ng una nang ipinahayag ng DepEd na magiging mandatory na ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan sa bansa simula November 2, 2022.
Kung saan kinakailangan nang magsagawa ng in-person classes ang mga paaralan limang araw kada isang linggo.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) managing director Atty. Joseph Noel Estrada na naniniwala sila na blended learning ay ang kinabukasan ng edukasyon dahilan kung bakit hinihiling nila ngayon na na sana ay ay mapahintulutan pa rin ang pagsasagawa nito sa susunod na pasukan.
Nangangamba kasi sila sa posible umanong maging epekto nito sa kalidad ng edukasyon at kaligtasan ng mga mag-aaral sa oras na lubos nang ipatupad ang face to face classes sa mga paaralan.
Sa oras kasi aniya na magsimula na ito ay maaaring hindi na mahigpit na maobserbahan pa ang social distancing sa loob ng mga silid-aralan, habang ang mga estudyante naman ay posibleng mahirapang matuto dahil sa dami ng bilang ng mga ito.
Samantala, una rito ay sinabi naman na ni Education Undersecretary Epimaco Densing na inatasan na nila ang kanilang regional directors sa pagsasagawa ng desisyon para sa pagpapanatili ng mga health and safety protocols sa kanilang mga nasasakupang paaralan.