-- Advertisements --
Sumama na ang mga guro at mag-aaral ng Myanmar sa kilos protesta laban sa nagaganap na military coup.
Nagtipon-tipon ang mga ito sa Dagon University sa Yangon capital kung saan nakasuot pa ang mga ito ng pulang laso at nanawagan ng pagpapalaya sa kanilang leader na si Aung San Suu Kyi.
Nais nilang iparating sa mga otoridad na ayaw nilang maranasan ng mga susunod na henerasyon ang nangyayaring kaguluhan.
Magugunitang mula pa noong Lunes ay hindi na nakita pa sa publiko sa Suu Kyi na sinasabing nasa house arrest ito.
Bukod pa kay Suu Kyi ay ikinulong din nila ang ilang senior leader na kaniyang kasama sa National League for Democracy (NLD) party.