-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Sumailalim sa training ng Bureau of Fire Protection (BFP)-La Trinidad ang mga guro at mag-aaral sa La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Senior Fire Inspector Francisco Copes, head ng BFP La Trinidad, tinalakay sa training ng mga guro at mag-aaral ang tungkol sa fire safety ng mga paaralan sa nasabing bayan.

Binigyan diin ni Copes na mahalaga na alam ng mga guro at estudyante ang mga pamamaraan para maiwasan ang mga insidente ng sunog.

Bagamat tiniyak din nito na magiging ligtas sa sunog ang mga paaralan sa La Trinidad, Benguet ngunit sinabi niya na kailangan pa ring mag-ingat ang bawat isa at huwag maging kampante.