Nakatakdang matanggap ng mga guro at karamihan sa mga kawani ng Department of Education (DepEd) ang kanilang 2019 Performance-Based Bonus (PBB).
Ito’y makaraang ideklara ng Inter-Agency Task Force on the Harmonization of National Government Performance Monitoring, Information and Reporting Systems na eligible ang DepEd sa naturang taunang insentibo.
Pero ayon kay DepEd Usec. Jesus Mateo, kahit nararapat na makatanggap ang mga guro at kawani ng DepEd ng nasabing insentibo, ihihiwalay muna ang mga non-teaching staff ng mga rehiyong hindi sumunod sa pamantayan.
Sinabi pa ni Usec. Mateo, maghihintay ang kagawaran ng opisyal na pakikipag-ugnayan mula sa IATF upang masiguro ang eligibility ng DepEd.
Inaasahang ipadadala ng IATF ang sulat ngayong linggo.
Matapos ang kumpirmasyon ng IATF sa eligibility ng DepEd, isasaayos ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng mga bonuses.
Ang school-based personnel ang siyang unang makatatanggap ng kanilang mga bonus, sunod ang mga tauhan ng SDO na nasa mga paaralan, at susundan ito ng mga School Division Offices (SDOs), Regional Offices (ROs), at ang Central Office (CO).
Ipadadala ng DBM ang pondo sa mga Regional Offices (ROs), ito naman ay direktang ipamimigay ng mga DepEd ROs at SDOs sa mga kawaning eligible na makatanggap ng performance based bonus.