Positibo ang naging reaksyon ng mga guro sa mungkahing pagpapataas ng honorarium
ng Members of the Board of Election Inspectors sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Ito ay matapos na imungkahi ni Deputy Minority Leader and ACT Teachers party-list representative France Castro ang pagpapataas ng election service honorarium sa mga magseserve sa election.
Ayon sa nasabing mungkahi, 10,000 pesos ang net honorarium ng chairperson at 9,000 pesos naman para sa members.
Samantala, sinang ayunan at sinupurtahan naman ni Commission on Elections Chairman George Garcia ang nasabing mungkahi.
Para kay Vilma Corazon Samarita isang guro, mahirap raw ang trabaho during election lalo na kapag local dahil mano mano ito kumpara sa National elections.
Ayon naman Chrazil Dagaraga isang ring guro, masaya raw itong mungkahing pagpapataas ng honorarium dahil hindi raw talaga basta basta ang pagseserve sa election.
Sinabi pa ni Deputy Minority Leader and ACT Teachers party-list representative France Castro, noong nakaraang taon ay hindi naipasa ang House Bill 9652 at Senate Bill 2520 o ang Act Excempting from Income Taxation the Honoraria, Allowances and Other Financial Benefits of person Rendering Service during an election period, kung saan layunin ng panukalang batas na ito na magkaroon ng pagkapantay-pantay sa sistema ng buwis sa bansa.
Dagdag pa niya, ang malalaking korporasyon umano ay nababawasan ang taxes sa pamamagitan ng mga naipapasang batas samantalang mas naghihirap ang mga guro sa pagbabayad ng malaking buwis, halos nasa 2,200 pesos umano ang buwis ng mga guro sa electoral service honorarium.
Bagamat maliit lang raw na bagay ito para gobyerno pero malaking bagay na umano ito para sa mga guro at poll workers ng bansa.