-- Advertisements --
LAOAG CITY – Inamin ng isang Pinay teacher sa Indonesia na nahihirapan sila sa online teaching dahil hindi umano nila ito napaghandaan.
Sa report ni Bombo International Correspondent Karen Bangug-Heagy, taga Isabela pero kasalukuyang nagtuturo sa Kalimantan Island, Indonesia, sinabi niya na dahil nakalockdown sa bansa dulot ng covid-19 ay nasuspendi rin ang pasok sa mga paaralan simula pa noong Marso 16.
Dahil dito, sinabi ni Heagy na tinuturuan na lamang nilang ang kanilang estudyante sa online.
Subalit ayon kay Heagy, kahit ang kanilang estudyante ay nahihirapan dahil hindi sila marunong mag-operate ng laptop o computer, kung saan hindi rin sila magabayan ng kanilang mga magulang dahil busy rin ang mga ito sa kanilang negosyo.