-- Advertisements --
electoral board member teacher

Ang mga gurong tutulong sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ay tatanggap ng ₱4,000 na dagdag sa kanilang honoraria, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ng Comelec na ang mga poll worker ay nakatakdang tumanggap ng mga sumusunod, napapailalim sa withholding tax:
₱10,000 (from ₱6,000) — Chairpersons
₱9,000 (from ₱5,000) — Electoral board members
₱8,000 (from ₱4,000) — Support personnel

Sinabi ng poll body na isinusulong din nito ang karagdagang ₱2,000 across-the-board pay para sa mga mag-o-overtime ng serbisyo.

Giit pa ng Comelec na malaki ang ipon nito mula sa ₱8.4 billion budget nito para sa barangay at SK elections.

Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, pinag-aaralan pa nila kung maaari nilang ilabas nang maaga ang honoraria ng mga guro, kasunod ng apela ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Dagdag pa ni Garcia na kailangan pa nilang makakuha ng approval mula sa Commission on Audit.

Una nang binago ang schedule ng filing period ng certificates of candidacy at tiniyak naman ng Comelec na hindi ito makakaapekto sa mga proseso para sa barangay at Sannguniang Kabataan elections.