-- Advertisements --
Davao quake 1
Lindol sa Davao

DAVAO CITY – Nabulabog ang buong lungsod ng Davao at karatig na mga probensiya sa malakas na pagyanig dakong alas 9:04 kaninang umaga.

Batay sa record ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naitala ang sentro ng lindol sa silangang bahagi ng Tulunan North Cotabato sa lakas na 6.6 Magnitude.

Samantala, intensity 6 naman ang naramdaman sa Davao City, kung saan nagdulot ng marami at malaking damyos sa mga matataas na gusali.

Kaagad namang ideneklara ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang suspension of classes sa lahat ng mga public at private school mula kindergarten hanggang post graduate studies.

Pinag-utos rin ng alkalde na kaagad magsagawa ng inspection sa lahat ng mga buildings.

Samantala gumuho rin ang isang bahagi ng school building ng Cor Jesu College sa Davao del Sur na nauna ng nagtamo ng damyos sa nakaraang lindol, at nadag-dagan pa ang mga nabitak na lupa sa naturang probinsiya.

Pinalabas rin ang lahat ng mga pasyente sa Davao del Sur Provincial hospital makaraang nakitaan ng mga crack ang gusali nito.

Inihayag ni LARA GUIANAN ng PHIVOLCS na maging alerto ang mga mamamayan dahil sa inaasahang mga aftershocks pero walang inaasahang tsunami.