-- Advertisements --
Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan sa likod ng pagsabog na naganap sa Los Angeles City, USA.
Dakong 6:30 pm (oras sa Amerika) nang makatanggap ang Los Angeles Fire Department ng report na nasusunog ang isang commercial facility sa lugar.
Ayon sa mga witness, naganap ang pagsabog matapos dumating ng mga bumbero sa lugar ng insidente.
Halos 230 bumbero umano ang ipinadala sa lugar para patayin ang apoy.
Nangyari ang pagsabog malapit sa Little Tokyo kung saan dito naninirahan ang karamihan sng mga Japanese citizens sa North America.