-- Advertisements --

Nagsasagawa na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa nangyaring cyber attack sa kanilang website.

Ayon kay NBI Cybercrime Division chief Victor Lorenzo na kanilang aarestuhan ang mga hackers na pumasok sa government websites.

Tiwala aniya siya na mapapanagot ito sa batas dahil sa may mga nakaraang insidente na kanila ng naaresto ang mga suspek.

Ang nasabing pahayag aniya ay matapos na idineklara ng Cyber PH for Human Rights na sila ang nasa likod ng cyber-attack sa mga websites ng gobyerno.

Naniniwala ito na maaring isang paraan ng pagprotesta ng grupo sa naganap na pagpatay sa siyam na sibilyan na mga aktibista sa Calabarzon noong nakaraang Linggo.

Nakikipagtulungan na rin sila Department of Information and Communication Technology (DICT) sa nasabing usapin.

Nauna rito marami ang nagreklamo mataops na hind nila mabuksan ang National Government Portal na gov.ph.