-- Advertisements --

Di pa rin matatawaran ang mga naging kontribusyon ng Philippine Red Cross sa lalo na sa paglaban sa COVID-19.

Ito naging dahilan kung bakit kinilala ng International Federation of Red Cross ang mga naging ambag ng PRC.

Sa ginanap na World Disasters Report sa isang hotel sa Makati City kahapon, nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si International Federation of Red Cross President Kate Forbes sa naturang grupo.

Ayon kay Forbes, malaki ang naging tulong ng PRC sa mga komunidad at maging sa gobyerno ng Pilipinas.

Kaugnay nito ay siniguro ni PRC Chairman and CEO Richard Gordon na nakahanda na rin sila sa naka ambang pagdating ng La Niña sa bansa.

Ito kase ay inaasahang magdudulot ng mga labis na pag-ulan na maaaring maging sanhi ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Kung maaalala, opisyal nang idineklara ng State Weather Bureau ang tag-ulan sa bansa.

Ayon sa ahensya, aabot sa labing pitong bagyo ang posibleng mabuo sa loob ng taong ito habang aabot naman sa 10 malakas na bagyo ang maaaring pumasok at manalasa sa bansa.