Panahon nanaman ng tag-ulan kaya madalas na ang mga ulat ng mga kaso ng Dengue sa bansa.
Dahil dito ay mas lalo pang pinapaigting ng pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang kanilang mga hakbang upang mabawasan ang mga kaso nito sa kanilang lungsod.
Kaugnay nito at ipinatupad ng LGU ang Dengue Surveillance and Update on Prevention and Control Program partikular ng kanilang Quezon City Health Department.
Nagsagawa naman ng pagpupulong ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Division kasama ang mga kinatawan ng District Health Officer.
Nakilahok rin sa usapan ang Sanitation Inspectors ng lungsod at ang kanilang Disease Surveillance Officer.
Pangunahing pinag-usapan sa nasabing meeting ang mga kaukulang prevention strategies na maaaring ipatupad sa mga barangay ng lungsod ng sa gayon at makontrol ang naturang sakit.
Batay sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, aabot sa 1,218 ang kaso ng dengue sa kanilang lungsod.
Ang datos na ito ay mula Enero 1 hanggang Mayo 31 ng kasalukuyang taon habang sa kabuuang kaso ng Dengue ay tatlong indibidwal na ang nasawi.