Naging kakaiba ang muling pagbubukas ng opera house sa Barcelona matapos na luwagan na ang ipinatupad ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
Nagtanghal kasi ang ilang mga musikero na may kakaibang audience.
Imbes na tao ay pawang mga halaman ang audience na nanonood.
Aabot sa 2,292 na mga halaman ang inilagay sa loob ng opera house habang tumutugtog ang UceLi Quartet string quartet.
Ang nasabing concert ay ipinalabas online.
Ayon sa opera house nais nilang bigyan ng atensiyon ang kahalagahan ng art, music at kalikasan sa muli nilang pagbabalik.
Ang mga halaman ay nakatakdang ibigay bilang donasyons a mga healthcare workers sa Hospital clinic ng Barcelona.
Magugunitang nasa 245,504 ang naitalang kaso sa nasabing bansa kung saan halos 30,000 ang nasawi.