-- Advertisements --

Ikinagalak ng health advocates ang pagpasa ng panibagong excise tax sa mga tobacco products.

Ayon kay Atty. Benedict Nisperos ng Health Justice Philippines, na ang hakbang ay magtutulak ng pagbaba ng bilang ng mga gumagamit ng sigarilyo.

Dapat rin aniya na taasan ang edad ng mga papayagang bumili ng sigarilyo na kung maaari ay gawin ito sa edad 25.

Sinabi naman ni dating Department of Health (DOH) Secretary Jaime Galvez Tan, na dapat ay hindi na pakialaman ng mga tobacco growers ang gobyerno sa pagpapatupad ng batas.

Sa ipinasang excise tax ng mga mambabatas bago magtapos ang 17th congress papatawan ng P45 ang kada pakete sa 2020 at magdadagdag ng P5.00 kada taon hanggang 2023.