-- Advertisements --

Nagbigay ng payo ang ilang health experts sa mga tao na nakakaranas ng katamtamang sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Anna Ong-Lim, isang pediatric at infectious disease expert na ang pag-isolate sa bahay ay maikokonsidera kapag mayroong mababang katamtaman o asymptomatic ang karamdaman nito.

Dahil na rin sa napupuno ang mga pagamutan ng mga pasyente ng COVID-19 ay may ilang panuntunan silang ibinahagi.

Ito ay dapat nakahiwalay ang mga kuwarto nito sa iba, mayroong sapat na ventilation o pumapasok ng sapat hangin sa kuwarto, may sariling banyo at laging nakasara dapat ang nasabing kuwarto.

Maiiwasan din ang pagkahawaan sa loob ng bahay kapag limitahan ang paggalaw ng isang pasyente na mayroong sintomas, dapat ay laging naghuhugas ng kamay at ang palagiang paglilinas ng mga gamit na laging nahahawakan.

Sakaling nagiging malala na ang kalagayan ng isang pasyente ay huwag na dapat mag-atubiling tumawag o dalhin na ito sa isang pagamutan.