BUTUAN CITY – Very alarming na ang estado ng mga healthcare facilities nitong lungsod ng Butuan dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 kung kaya’t apektado na rin ang oxygen supply.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Butuan City administrator Rey Desiata na kahit wala pang kumpirmadong kaso ng COVID-19 Delta variant nitong lungsod ngunit makikita sa mga kasalukuyang kaso na bumabata ang mga natatamaan ng coronavirus at naa-admit sa mga ospital.
Sa ngayo’y punuan na ang mga ospital pati na ang mga COVID-19 isolation at quarantine facilities
Kung noo’y kadalasan sa mga matatamaan ay yaon lamang mga senior citizens at may comorbidities ngunit ngayon ay bumabata na ang mga natatamaan at namamatay kahit na ayon sa kanilang mga ka-anak ay walang problema sa pangangatawan.
Ito umano ang nag-uudyok sa city government na hilingin sa Regional Inter-Agency Task Force na isasa-ilalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang 76 sa 86 mga barangay nitong lungsod kahit na nasa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restricts ang buong Butuan CIty base na rin sa utos ng National IATF.