-- Advertisements --

Nagpulong ang mga health ministers ng Europa bilang paghahanda sa banta ng Omicron coronavirus variant.

Ayon sa European Commission na layon din ng pagpupulong ang pagsasagawa ng koordinasyon ng mga bansa lalo na sa pagpapatupad ng travel recommendations.

Sinabi naman ni EU health commissioner Stella Kyriakides na mahalaga na magpatupad ang mga bansa ng paghihigpit sa pagpapatupad ng health protocols.

Magugunitang maraming mga bansa sa Europa ang nagpatupad ng travel restrictions sa mga pasahero na galing sa South Africa.