-- Advertisements --

Itinaas ng United Kingdom ang kanilang COVID-19 alert level matapos ang patuloy na pagtaas ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19.
Nagbabala rin ang mga medical authorities na tataas ang kaso ng madadala sa pagamutan sa mga susunod na linggo.

Maging ang mga chief medical officers ng England, Scotland, Wales at Northern Ireland ay inirerekomenda ang pagtaas sa alert leve 4 mula sa dating level 3 mula sa kanilang 5-point scale.

Ayon sa kanila na mabilis ang pagkakahawa ng nasabing Omicron kumpara sa Delta at ang epekto ng bakuna ay nababawasan sa mga taong dinapuan nito.