-- Advertisements --
May inilaan ang Department of Health (DOH) ng P311 milyon para sa special risk allowance ng mga health workers mula Disyembre 1 hanggang Hunyo 30, 2021.
Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III, naisumite na nila sa Department of Budget and Management (DBM) ang kaukulang dokumento para mailabas na ang pondo.
Hinihintay na lamang aniya nila ang special allowance release order (SARO) mula sa DBM para maipamahagi ang pondo sa mga pagamutan.
Nauna rito binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOH at DBM ng 10 araw para mabayaran ang mga health workers na umaaray dahil hindi pa nakakatanggap ng kanilang mga benepisyo.