-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Inihayag ng Provincial Health Office (PHO) na umaabot pa lamang sa 26% na mga healthcare workers ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa Catanduanes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PHO head Dra. Hazel Palmes, halos patapos na ang rollout ng vaccination para sa uanng naipadalang bakuna kung kaya kulang na ang suplay para sa mga target na mabakunahan.
Hiling ng opisina na maging prayoridad rin ang lalawigan sa COVID vaccine upang maabot ang populasyon ng target na mabakunahan.
Sa ngayon patuloy naman ang vaccination rollout para sa second dose ng Sinovac vaccine.
Tinatayang nasa 74% pa ng mga healthcare workers ang hindi nababakunahan sa lalawigan.