-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na maari ng magpaturok ng kanilang COVID-19 booster shots ang mga fully vaccinated healthcare workers simula bukas November 17.

Sa advisory ng DOH ang mga health workers ay maaaring gumamit ng Moderna, Pfizer at Sinovac.

Dagdag pa ng ahensiya, ang Sinovac ay iaalok din bilang booster para sa mga nagpaturok na ng Sinovac.

Nakatakdang maglabas din ang DOH ng mga guidelines ngayong Nobyembre 16 sa pamamagitan ng National Vaccine Operations Center.

Magugunitang naglaan ang DOH ng P45 bilyon na pondo para sa COVID-19 boosters.