CAUAYAN CITY – Kinontra ng presidente ng St. Lukes Medical Center Employees Association ang inilabas ng DOH na press release na natanggap na ng mga healthcare workers ang mga benepisyo batay sa mga probisyon ng Bayanihan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jao Clumbia, presidente ng St. Luke’s Medical Center Employees Association na ang natanggap pa lamang ng mga nasa pribadong ospital ay ang kakarampot na Special Risk Allowance (SRA) at hindi na nasundan.
Ang meals, accommodation at transportation allowance, insurance at COVID-19 compensation ay hindi pa nila natatanggap hanggang ngayon.
Maging ang kanilang mga doktor ay wala pang natatanggap na SRA.
Hinamon nila ang chairperson ng House at Senate Committee on Health na sina Congresswoman Helen Tan at Senador Bong Go na magharap-harap sila kasama ang mga opisyal ng DOH para malaman ang kanilang mga hinaing.