-- Advertisements --

NAGA CITY- Ilang mga heavy equipment sa Construction and Builder’s Supply Corporation ang sinunog ng mga pinaniniwalaang mga rebeldeng grupo sa Barangay Calagascagas, San Fernando, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga kay PCapt Romeo Ranara, hepe ng San Fernando PNP sinabi nito na tatlong mga heavy equipment ang kabuuang bilang ng napinsala dito.

Kung saan dalawang sa mga ito ay backhoe at isang grader ang sinunog ng hindi pa malamang bilang ng mga pinaniniwalaang mga miyembro ng rebeldeng groupo.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.