Nakatakdang umalis patungong Taiwan ngayong linggo sina Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Roel Obusan at PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) Director C/Supt. Albert Ignatius Derro para asikasuhin ang deportation ni Ricardo “Ardot†Parojinog.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, ipadadala niya ang dalawang opisyal para direktang makipag-ugnayan sa Taiwanese Police para sa mas mabilis na pag-uwi ng bansa ni Ardot.
Si Ardot na nakababatang kapatid ng napaslang na dating Ozamiz mayor Reynaldo “Aldong†Parojinog Sr. ay nahuli sa Taiwan dahil sa kanyang iligal na pananatili sa bansa.
Ayon kay Albayalde, kinasuhan si Ardot ng paggamit ng fake ID sa Taiwan at kailangan maresolba muna ang kasong ito bago siya mai-deport.
Kaya aniya aabutin pa ng isa o dalawang buwan bago maiuwi sa Pilipinas si Ardot para hanapin ang kanyang mga naka-pending na kaso na illegal possession of firearms and explosives.
Wala si Ardot sa kanyang tahanan noong panahon na isinagawa ang raid.
Nabatid na 10 buwang nagtago si Ardot pero noong nakaraang linggo nang maaresto ito sa nasabing bansa.