-- Advertisements --

Sinang-ayunan ng Hijos Del Nazareno (HDN) ang mga pagbabagong ipapatupad sa prosesyon ng Itim na Nazareno.

Ilan sa mga gagawing pagbabago kasi ay ang paglalagay sa glass case ng 400-taon na imahe.

Sinabi ni Val Samia ang namumuno sa HDN Central na sinimulan nilang ikondisyon ang sarili para sa kapiyestahan sa darating na Enero 9.

Dagdag pa nito na ang nasabing plano ng Traslacion committee ay para sa kaligtasan ng lahat ng mga deboto.

Nanawagan na lamang sila sa mga deboto na sumunod sa anumang pagbabago na ipapatupad sa nasabing kapiyestahan.