Inanunsiyo ng gobyerno ng Germany ang pagpapatupad ng nationwide lockdown sa mga hindi bakunadong residential.
Sinabi ni outgoing Chancellor Angela Merkel na ang mga unvaccinated individuals ay bawal na makapunta sa mga establisyemento gaya ng supermarket at botika para maiwasan ang pagkakahawaan ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron.
Suportado rin ni Merkel at ang papalit sa kaniya na si Olaf Scholz ang pagpapatupad ng mandatory vaccination na kapag naipasa sa parliyamento ay magiging epektibo na ito sa Pebrero ng susunod na taon.
Posible rin sa taong 2022 magkakaroon na ng booster shots ng COVID-19 vaccines ang mga nauna ng naturukan ng bakuna.
Aabot na kasi sa mahigit 102,000 na katao ang nasawi sa Germany kung saan nitong nakaraang araw lamang ay nagtala sila ng 446 katao ang nasawi matapos dapuan ng nasabing virus.
Samantala, kinumpirma rin ng mga health officials na nakapagtala na rin ng kasong Omicron variant ng COVID-19 ang Berlin.
Ayon kay Dilek Kalayci ang health senator ng Berlin na may iba pang mga pinaghihinalaang kaso ng Omicron strain sa lungsod.
Nanawagan na lamang ito sa mga mamamayan na iwasan muna ang pagtungo sa mga mataong lugar para mabawasan ang hawaan.
Nauna nang inihayag ng public health office ng Baden-Wuerttemberg na mayroong apat na katao ang nagpositibo ng Omicron variant pero mayroon silang mild symptoms.