Pinagbawalan ng gobyerno ng Berlin sa Germany ang mga taong hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccine na magtungo a mga restaurants, bars, sineham at ilang entertainment venues.
Ito ay matapos na magtala ang Germany ng mataas na bilang ng nadapuan ng COVID-19.
Ayon sa mga health officials ng Germany na nitong Nobyembre 11 ay mayroong naitalang 50,196 na bagong kaso.
Ito na ang pang-apat na magkakasunod na araw na nahigitan ng Germany ang kanilang record ng mga bagong kaso.
Simula sa susunod na linggo ay ipapatupad ang pagbabawal sa mga hindi pa nabakunahan ng COVID-19 na magtungo sa mga entertainment sites sa Berlin.
Maging ang mga outdoor activities na mayroong 2,000 na bisita ay pagbabawalan din ang mga hindi pa nababakunahan.
Nanawgan na lamang si German Chancellor Angela Merkel sa kanilang health officials na bilisan ang kanilang vaccination program.
Aabot lamang kasi sa 66.7 % ng kanilang populasyon ang naturukan ng bakuna.
Inamin ni Health Minister Jens Spahn na nakakaranas ang kanilang bansa ng “massive” pandemic mula sa mga hindi pa bakunado.