-- Advertisements --
Papatawan na ng multa ang mga hindi pa nagpapaturok ng COVID-19 vaccines sa Quebec, Canada.
Sinabi ni Quebec Premier Francois Legault na isa umanong pabigat sa kanilang healthcare network ang mga hindi pa nababakunahan.
Marami aniya sa kanilang populasyon ang bakunado kung saan hiling nila na dapat mapanagot ang mga ayaw magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon naman kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau na kanila munang hinihintay ang detalye kung paano nila papatawan ng buwis ang mga hindi bakunado nilang mamamayan.