Muling hinimok ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez ang mga hindi dokumentadong Pilipino sa Amerika na humingi ng legal advice para maging legal ang kanilang pananatili doon.
Ibinabala ng Ambassador na nahaharap sa mataas na banta ng deportation ang mga hindi dokumentadong Pilipino.
Babala pa ni Romualdez na ang mga napadeport na mula sa US ay maaaring hindi na papayagang makabalik.
Kayat payo ng PH envoy sa mga undocumented Filipinos na pumunta sa immigration lawyer at ayusin na ito habang meron pang tiyansa na maging legal ang kanilang status.
Inilabas ang naturang abiso kasunod ng desisyon ng administrasyon ni US Pres. Donald Trump na i-terminate ang temporary protected status ng mahigit kalahating milyong Cubans, Haitians, Nicaraguans at Venezuelans na naninirahan sa Amerika na magiging epektibo sa Abril 24 ng kasalukuyang taon.
Sa datos mula sa US Department of Homeland Security noong 2022, nasa humigit-kumulang 350,000 Pilipino ang hindi dokumentado sa Estados Unidos.