-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko sa proper handling ng mga perang barya kabialng na ang pagpapalit o pagdepoito ng hindi nagamit na pera.

Maituturing aniya ang coins na public investment na ginagamit para magbayad ng mga goods at services.

Ayon pa sa BSP ang coins na hindi nagamit ay dapat na ipapalit o ideposito sa bangko sa halip na itago.

Paliwanag ni BSP Governor Benjamin E. Diokno na makakatulong para mapantili ang structural integrity ng mga ito sa pamamagitan ng proper handling ng coins para maging mapanuri laban sa unlawful use nito.

Samantala, ang coins naman na may doubtful authenticity ay maaaring isurrender sa bangko para mainspeksyon ng BSP.

Inaabisuhan ang publiko na ang maaaring maging subject ng pagkakakulong ng hanggang limang taon at multa ng hindi lalagpas sa P20,000 para sa willful defacement, mutilation o pagsira sa Philippine coins.