-- Advertisements --

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga indibidwal na ayaw magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa kaniyang talk to the people nitong Lunes ng gabi, sinabi ng pangulo na hindi ito maaawa sa mga taong masasawi dahil sa pagmamatigas nilang hindi magpabakuna laban sa COVID-19.

Paliwanag ng pangulo na ayaw niyang makasakit ng damdamin subalit dapat intindihin din na nais ng gobyerno na ikontrol ang pagkalat ng virus.

Hindi aniya nito maintindihan ang pag-iisip ng mga tao na nagmamatigas na magpabakuna dahil iniisip lamang ng gobyerno ang kaligtasan ng bawat isa.

Nauna rito sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na 93 porsyento na nasawi dahil sa COVID-19 ay yung hindi nabakunahan.