Posibleng mapabagal ng mga hindi pa sementadong kalsada ang pagkilos ng mechanized division ng Russia sa Ukraine.
Ayon sa mga lokal na naninirahan sa Ukraine, dalawang sa isang taon kasi nararanasan sa rehiyon ang Rasputitsa na nagreresulta sa lubhang na kalsada dito.
Sinabi ng isang professor sa US National Defense University na si Spencer Meredith na mahirap salakayin ang Ukriane kung ang mga pangunahing kalsada nito ay sira na.
Ayon naman kay Ukrainian military analyst Mykola Beleskov, marami na rin aniyang mga pagkakataon na na-stuck din ang mga tangke ng Russia at iba pang kagamitan nito matapos na pumasok ang mga ito sa mga bukid.
Dahilan kung bakit mapipilitan aniya ang mga sundalo ng Russia na iwan ang mga gamit nito at maglakad na lamang.
Dagdag pa ni Beleskov, posibleng mas lumala [a ang sitwasyon ng mga ito habang umiinit na ang panahon at sa pagsisimula naman ng panahon ng tag-ulan.
Ang Rasputitsa ay isang terminong tumutukoy sa parehong panahon na nagreresulta naman sa maputik na kadalsada nang dahil sa pagkatunaw ng snow sa panahon ng tagsibol na sinamahan din ng basang panahon.