-- Advertisements --
Bawal ng bentahan at bumili ng mga nakakalasing na inumin sa lungsod ng Pasay ang mga hindi residente doon.
Ito ay ang naging laman ng ipinasang ordinansa ng lungsod kung saan papayagan lamang bentahan ang isang indibidwal basta may maipakitang ID na nagpapatunay na ito ay residente doon.
Nakasaad sa nasabing ordinansa na mula alas-8:00 ng umaga hanggang 8 p.m. ng gabi ay puwedeng bumili ng mga nakakalasing na inumin.
Maari aniyang magbenta ang mga establisyimento gaya ng mga hotels basta doon lang sa lugar at huwag ng ilabas ito.
Ang nasabing hakbang ay isang paraan aniya ng city government ng Pasay para mabawasan ang pagdami ng mga nahahawaan ng COVID-19.