-- Advertisements --
DAGUPAN CITY – Nakatakdang pulungin ng Pangasinan provincial government ang mga hog traders at hog raisers dahil sa isyu ng African swine fever (ASF).
Nitong Martes, idineklara ni Pangasinan Governor Amado Espino III ang temporary ban sa mga ipinapasok na baboy sa Pangasinan.
Hinigpitan din ang mga quarantine checkpoint sa mga entry at exit points ng probinsya.
Nangangamba kasi ang ilang hog raisers sa lalawigan dahil sa banta ng ASF.
Bagama’t hindi apektado ang kanilang mga alaga, ay may mga agam-agam sila na posibleng maapektuhan ang mga ito.