-- Advertisements --

Malaking challenge sa militar ngayon kung papaano mapigilan ang isyu ng radicalism sa mga Muslim na siyang naging ugat sa pagkalat ng terorismo.

Ayon kay Philippine Army chief Lt. Gen. Rolando Joselito Bautista batay sa assessment ng mga Marawi liberators na ang pagkala ng radicalization sa mga kapatid nating Muslim ay naka depende sa resulta ng ongoing rehabilitasyon sa siyudad ng Marawi.

Dagdag pa ni Bautista na kapag hindi tama ang ipinapatupad na rehabilitation plan ay maaari itong magdulot ng recruiment .

Giit nito ang pagpapatupad ng martial law sa Mindanao ay makakatulong sa pakalat ng radicalization sa mga kapatid nating Muslim.

Kahit hindi pa nauumpisahan ang rehabilitasyon sa Marawi ay may mga grupo ng nagsasagawa ng recruitment.

Binigyang-diin din nito na bagamat may banta pa rin sa seguridad sa kaya pa rin itong i-handle ng militar.

Napag aralan na rin ng militar ang mga hakbang para maputol na ang tinatanggap na foreign aid ng teroristang grupo.

Kaya asahan na ng teroristang grupo na mahihirapan na silang makatanggap ng pinansiyal na tulong sa abroad mula sa mga kapwa terorista.

Tumanggi namang sabihin ng heneral kung ano ang nasabing paraan.

“Sabi ko nga meron na tayong mga means kung pano natin ma puputol o ma cut of ang support ang solution kasi ngayon is not more on tactical operation we already leveled up ang solution to strategic so di ko na pwedeng expound yon,” paliwanag ni Bautista.

Ipinagmamalaki din ni Bautista na sa pamamagitan ng skills at competence ng mga sundalo nagawa nilang i-diminish ang Maute-ISIS terror group.

“Personally it does not mean that we will reduce or diminish the threat but we have a level we call it a manageable risk so ayun yung hinahabol namin ngayon although there is a threat but it is managable then we will consider it as a reduction,” pahayag ni Bautista.