-- Advertisements --

Kinumpirma ni PDEA Director General Aaron Aquino na mga Hong Kong-based Dragonwood syndicate ang siyang nag-oooperate sa nadiskubre na drug laboratory sa Malabon City nitong Biyernes ng umaga.

Ibinunyag din ni Aquino na ang nasabing sindikato ay konektado sa tinaguriang Golden triangle drug cartel na nag-o-operate sa borders ng Myanmar, Thailand, at Laos.

Ayon kay Aquino, ito ang kauna-unahang pagkakataon na kanilang nadiskubre na isang drug laboratory na nagpo-produce ng mga psychotropic substances partikular ang MDMA (methylenedioxymethamphetamine) o mas kilala sa banned tablets na ecstacy.

Sa isinagawang drug raid, arestado ang isang Chinese national at ang driver nito sa Barangay Tinajeros, Malabon City.

Ito ay isang follow-up operations kasunod nang pag-raid nitong Huwebes sa isang shabu laboratory sa Ibaan, Sto. Nino, Batangas City.

Kinilala naman ni Aquino ang naarestong Chinese na si John Ming Shen at ang Pinoy driver na si Lauro Santiago.

Narekober ng PDEA sa raid ang mga hinihinalaang ecstasy tablets, assorted chemicals na umano’y ginagamit sa pag-manufacture ng illegal drugs at iba pang mga drug paraphernalia.

Sa ngayon patuloy pa rin ang inventory sa mga kagamitan sa naturang drug laboratory.