-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nagpapatuloy ang pagpila ng mga taong nais ma-avail ang bagong cash assistance na ibibigay ng Department of Social Welfare and Development sa Brgy. Calumpang nitong lungsod.

Karamihan ng mga ito ay sa umaga dumagsa habang marami naman ang pumila madaling araw pa lamang.

Sa panayam kay Barangay Chairman Ryan Arthur Dupalco, inamin nito na nagulat siya dahil sa marami ang biglang dumagsa sa gym bago pa ang naging abiso sa kanya ng City Social Welfare and Development Office(CSWDO) hinggil sa pagrelease ng naturang pondo.

Habang sa panayam naman ng Bombo Radyo sa ilan na mananatili sila sa pila kahit pa abutan ng gabi ma-avail lamang ang naturang cash assistance.

Ayon sa mga ito, magbabasakali sila hanggang hindi ihihinto ng mga CSWDO personnel ang pagtanggap ng mga requirements at releasing ng nasabing pondo.

Samantala, dismayado naman ang ilan dahil hindi umano organisado ang aktibidad.