KALIBO, Aklan — Nakapagtala ng ilang bookings ang mga hotels at resorts sa isla ng Boracay para sa October 1 re-opening.
Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista na ang mga turista galing sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ kasama ang Metro Manila ay pinapayagan na ring magbaskyon sa isla.
Kaugnay nito, obligado ang mga turista na sumunod sa “test before travel” na regulasyon, kun saan kailangan ng mga ito na magpakita ng negatibong resulta ng reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) 48 hanggang 72 oras bago ang kanilang biyahe sa Boracay.
Dapat rin umano na sumailalim sa “strict quarantine” ang mga turista matapos na magpa-swab test hanggang sa oras ng kanilang pagbyahe.
Dagdag pa ng alkalde na walang age limit sa mga bakasyunista.
Sa ngayon, umaabot na sa higit 200 na mga hotels at resorts na may 4,416 na kwarto ang nabigyan ng Department of Tourism ing Certificates of Authority to Operate.
Ito ay nangangahulugan na pumasa sila sa health standards na hinihingi ng Inter-Agency Task Force.