-- Advertisements --

Limitado lamang sa hanggang dalawang katao kada kuwarto kapag bumalik na sa operasyon ang mga hotels sa bansa sa ilalim ng new normal dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni Department of Tourism (DOT) Undersecretary Arturo Boncato Jr., na ang nasabing panukala ay base sa revised tourism standards ng DOT.

Base sa bagong kautusan sa general community quarantine na ang mga hotels ay mag-o-operate lamang sa 50 percent capacity.

Pormal na ilalabas ang bagong kautusan sa mga susunod na mga linggo.