BUTUAN CITY – Patuloy ngayong umaasa si American human rights lawyer Robert Swift na maibigay na sa iba pang mga human rights victims sa batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang compensation fund na para sa kanila.
Ito ay matapos naibenta ang isa sa mga paintings na pagmamay-ari ni dating First Lady Imelda Marcos kung saan dito sa Caraga Region, sinimulan ng nasabing abogado ang distribusyon.
Laking tuwa ang nadarama sa mga pamilya ng mga biktima dahil malaking tulong na umano para sa kanila ang natanggap na P77,500 sa bawat isa lalo na’t hindi nila ito inaasahan.
Ayon kay Atty. Swift, kahit na 18 taon ang litigation period nito, kailangang maibigay pa rin ito sa mga biktima upang mababayaran ang paghihirap nila sa panahon ng martial law.
Aminado si Swift na naantala ang pagresolba sa nasabing kaso dahil sa layunin ng pamahalaan na makakuha ng porsiento galing nito na hindi naman sinang-ayunan sa ilalim ng batas sa Estados Unidos.
Sa ngayon ay nasa Cagayan de Oro City ang abogadong Amerikano para sa kaparehong layunin.