-- Advertisements --

Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na malaking tulong sa pagpapalakas pa ng military capabilities ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga donasyong rifles at ammunitions ng China sa Pilipinas.

Sinabi ni Lorenzana na gagamitin ang nasabing mga armas at bala para palakasin pa ang internal security operations ng militar partikular sa southern part ng Mindanao kung nagpapatuloy ang kaguluhan.

Ayon kay Lorenzana, dahil sa donasyon ng Beijing na mga rifles at ammunitions ay madadagdagan na rin ang existing materiel na nasa arsenal na ng AFP.

Lubos ang pasasalamat ng kalihim sa China sa kanilang donasyon na nasa halos 50 Million Renminbi Yuan.

“These will certainly improve the capabilitiesnof our Armed Forces for internal security operations particularly in the Southern part of the country,” wika ni Lorenzana.

Tiniyak naman ng kalihim kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jinhua na ang mga donasyon ay magagamit sa tama ng mga sundalong Pinoy.

Aniya, ang mga ibinigay na libreng armas ng China ay indikasyon na lalo pang lalakas ang relasyon ng dalawang bansa partikular sa kanilang defense force.