CENTRAL MINDANAO- Ngayong araw ng Byernes Agosto 2 ay susunugin ang mga nakumpiskang pinagbabawal na droga ng Philippine Drug Enforcement Agency – BARMM sa pamamagitan ng thermal destruction.
Sinabi ni PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Regional Director Juvenal Azurin,na susunugin ang mga droga sa Lamsan Industries Incorporated sa Sultan Kudarat Maguindanao.
Sasaksihan naman ng mga kagawad ng Media,Militar,pulisya,Civil Society Organization , LGU, mga huwes at abogado mula sa Public Attorney’s Office ang thermal destruction.
Ang mga susunugin na shabu ay natapos nang na-ipresenta sa korte na ibedensya sa mga suspek na nahuli sa anti-drug operation ng PDEA-BARMM sa kanilang AOR.
Sa ngayon ay isinasailalim na sa imbentaryo ng PDEA Laboratory Chemist ang mga drogang susunugin sa pamamagitan ng thermal destruction.