-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Muling nakasabat ang mga otoridad ng mga pinutol na punongkahoy sa Abuan River Cab. 10, Ilagan City.

Sa nakuhang impormasyon Bombo Radyo Cauayan sa himpilan ng City of Ilagan Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa nilagareng kahoy na nakasalansan sa gilid ng ilog.

Umaabot sa halos 500 board feet ang sukat ng ng iba’t ibang klase ng kahoy na pinaghalong fresh at old cut.

Samantala, ikinatuwa ng Isabela Police Provincial Office ang sunod sunod na pagkakasabat ng mga iligal na nilagareng kahoy sa Ilagan City maging sa ibang lugar sa lalawigan .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay provincial director Col. James Cipriano ng Isabela Police Provincial Office, sinabi niya na nagbaba na siya ng direktiba sa mga hepe ng pulisya sa lalawigan sa mas lalong pagpapaigting ng monitoring sa mga lugar na may Illegal logging activity.

Sa bahagi naman ng pamahalaang Lunsod ng Ilagan ay sinimulan nang ipatawag ng mga kasapi ng City Environment and Natural Resources Office ang mga mamamayang nasasangkot sa illegal na pamumutol ng mga punong kahoy.