-- Advertisements --
nfa
Photo courtesy of National Food Authority FB page

Inatasan ng Department of Agriculture ang National Food Authority (NFA) na agad na ibenta ang ilang milyong sako ng imported rice na naka-tingga lamang sa bodega nila ng ilang buwan.

Ayon kay Agriculture spokesperson Noely Reyes na ang kautusan ay mula kay DA Secretary William Dar para maubos na ang mga imported rice para makabili na sila sa mga lokal na magsasaka.

Mahalaga ang nasabing hakbang para maibenta ng mga local farmers ang kanilang mga inaning palay.

Nilinaw din ng NFA na nasa mabuting kondisyon ang mga nakatagong bigas sa kanilang bodega taliwas sa lumabas na ulat na ito ay nasisira.