-- Advertisements --

Nakatakdang patawan na ng gobyerno ng clearance fee ng P60 per metric ton sa mga imported na sugar atlernatives at ilang mga sugar-based products.

Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA) na ang mga sugar alternatives ay kinabibilangan ng sucrose, flavored syrups at maging ang mga white chocolates at chewing gum.

Ang nasabing clearance fee na P3 kada 50-kilogram bag o P60 kada metric tons ay mas mababa sa unang proposal na P10 kada bag o P200 per metric tons.

Una ng sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr ang siyang namumuno ng SRA Board na kanilang binabaan ang clearance fee dahil na rin sa hirit ng mga beverage makers at industrial users.

Magiging epektibo ang nasabing clearance fee matapos ang 30 araw kapag ito ay naihain na sa Office of the National Registrar sa UP Law Center.